Habang mas sumisigla at nagiging popular ang mga digital media platform taon-taon, mas naging mahalaga higit kailanman ang sound journalism. Ngayon, hindi lang mga newrooms ang nakakatuklas at nakakapag-ulat ng bagong mga istorya, sa tulong ng mas lumalawak pang mga digital na teknolohiya, nagagawang makapagbalita ng mga citizen journalist sa iba't ibang panig ng mundo sa pamamagitan ng mga social media platform at iba pang digital na anyo. Habang lumilipas ang bawat taon, nagbabago ang mga paraan kung paano nakakakuha ang mga tao ng balita.
Simulan ang Iyong SertipikoPara sa mga journalist, mahalagang matutunan ng mga ito kung paano mag-ulat nang responsable, etikal, at totoo. Ipinapakita ng ilang maimpluwensyang pag-aaral sa journalism ang dumaraming consumer ng mga pandaigdigang balita na naghahangad ng malalim na pag-uulat at neutral, walang pinapanigang katotohanan.
Noong 2021, nalaman sa pag-aaral ng American Press Institute na 67% ng mga Amerikano ang naniniwala na "mas maraming impormasyon ang naglalapit sa atin sa katotohanan." Bukod dito, nalaman ng pinakabagong Digital News Report na ginawa ng Reuters Institute para sa Pag-aaral ng Journalism na higit sa kalahati ng global sample nito “ang nagsabi na nababahala sila tungkol sa kung ano ang totoo o hindi sa internet pagdating sa mga balita." Tinutukoy rin ng pag-aaral ng DNR na "Tumataas ang pagkilala ng mga publisher na ang pangmatagalang survival ay malamang na kinabibilangan ng mas malakas at mas malalim na koneksyon sa mga audience online."
Itinuturo ng dalawang oras na pagsasanay na ito sa mga kalahok ang pinakamabubuting kagawian sa digital journalism. Gamit ang nakakahikayat na mga larawan, at hands-on na paraan kung paano, nagbibigay ang kurso ng mahalagang insight sa apat na module na tumatalakay sa Digital Newsgathering, Pagberipika at Pag-uulat, Epektibong Pag-publish sa Social Media, at Kahusayan at Katatagan. Makakatanggap ng digital na sertipiko ng pagkumpleto ang mga kalahok pagkatapos ng dalawang oras na pagsasanay.